Kanser ng Pangarap

cropped-image.jpg

13199088_10204914857991060_39459817_oAlona: “Kanser. Lintik na kanser. Alam mo magpakatao lang yang kanser na yan, hahamunin ko ng suntukan yan eh. Para naman hindi na ako mag-isang nasasasktan.”

 

Alona: “Sige, sabihin na natin na kung magpapakatao yan, dambuhala yan at hindi ko kakayanin. Sabihin na nating magiging 7 footer yan na magmumukha lang akong bansot kung maghaharap kami. Eh ano naman? Kahit isang suntok lang, okay na sakin yun. Para naman kahit papano, maramdaman din nya yung sakit ng masaktan at mawalan. Yung sakit ng mawalan ng minamahal. Yung sakit ng mawalan ng oras. Yung sakit ng mawalan ng minamahal mong pangarap.”

13214449_10204914857871057_1950700328_oAlona: “Sa totoo lang, estudyante pa lang naman ako eh. Siguro, minamaliit ng matatanda pero hindi mangmang. May alam na rin naman ako kahit na kaunting panahon pa lang ang nasaksihan ko sa aking talambuhay.”

 

 

 

Alona: “Pero sa maagang edad, may kanser na kaagad ako. Hindi niya kaagad pinapakita ang mga senyales pero bigla-bigla ka na lang manghihina ng walang dahilan. Kapag mas lalo mong inisip, mas lalong gagana ang mga masasamang epekto nito tulad ng pagkahilo, pag-iyak at pagsuka ng lahat ng kasiyahang nararamdaman sa puso mo.”

13199082_10204914858191065_570305098_oAlona: “Kaya mag-ingat ka sa mga taong may kanser.Mukha lang matatapang yang mga yan, pero sa totoo lang gusto ng manghawa ng mga yan. Para syempre, quits na lahat.”

 

 

Alona: “Akala mo nilalabanan nila yung sakit nila? Niloloko ka lang nyan. Kasi sa loob nila, gusto nilang pareho kayong may ganoong nararamdaman: nanghihina, nawawalan ng pag-asa na konting-konti na lang ay malapit ng sumuko.


13211094_10204914857911058_222381385_oAlona
: “Ako? Gustong manghawa? Pwede pero pwede rin namang hindi. Pero teka, parang gusto ko talagang hawaan to ah.”

 

 

Alona: “Sa totoo lang hindi na ako makapag-isip ng maayos eh. Epekto na rin siguro ng kanser ko ‘to. Hindi na makapag-isip tulad ng dati. Wala na yung talas ng memorya at liksi ng katawan. Kahit na pilitin mong isiping wala ka naman talagang kanser, ayaw na rin sumunod ng katawan mo dahil mas nangingibabaw ang utos ng utak mo. Ganyan na ganyan ang nararamdaman ko.

“Kaya siguro nga, gusto kong manghawa.

“Pero.. hindi eh.”
13210923_10204914853150939_950941218_oAlona: “Nung mga panahong hindi pa nakikisama ang utak ko sa mga pakiramdam ko’y inuutos ng Dyos sa akin, ginawa ko na ang gustong ipagawa ng buhol-buhol kong isip noon: nanghawa ako. Maya’t maya kong sinamahan ang mga kaibigan ko para makuha nila ang impeksyon ng kanser ko. Araw-araw ko silang sinabihan ng mga hinaing ko tungkol sa hinagpis ng kanser ko. Hanggang sa hindi ko na napansing minu-minuto ko na palang ipinagdarasal na sana mas maging malala ang kanser na makuha nila mula sa akin.”

Alona: “Hanggang sa kinausap mo ako, Richard, habang hawak ang mga kamay ko.”

13199019_10204914858151064_931193739_oRichard: “Wala kang kanser.”

 

 

 

 

 

Alona: Tatlong simpleng salita pero mas mabisa pa sa mga gamot na aking iniinom. Tatlong simpleng salitang gusto ko lang marinig mula sa isang taong alam kong may halaga ako. Sa pagkakataong iyon, biglang bumalik ang aking tamang pag-iisip at sinubukang tuklasin kung bakit nga ba ako nagkaroon ng kanser.

13184556_10204914856191015_277488518_oAlona: “Hanggang sa naalala kita… aking kaibigan.”

 

 

 

 

 

Alona: “Na nawala ng dahil sa kanser. Sa sobrang pagkahilo, pag-iyak at pagsuka ng lahat ng kasiyahang nararamdaman sa puso mo, pinilit mong mawala na lang. Pero sa sitwasyon mo, hindi ikaw yung nanghawa, ikaw yung nagbigay ng sakit sa sarili mo. Yung mga pagsubok sa buhay mo’t ginawa mong sakit na mas pinili mong mawala na lang. Yung dapat na magpapatibay sana sayo’y ginawa mo pang mga balakid sa pag-abot mo ng iyong mga pangarap. Ngayon, wala ka na. Pero hindi mo nalaman na nakahawa ka pala ng sakit mo.

“Kasi may kanser na rin ako.

13161254_10204914858111063_1676735710_o.jpgAlona: “O wag na lang kaya natin itong tawaging kanser? Di naman talaga siya sakit eh……”

 

 

 

 

 

Alona: “Pero kanser talaga eh. Nakakapanghina ng biglaan, mas lalong lumalala kapag iniisip mo, nakakaubos ng oras sa walang kwentang dahilan at nakakamatay… ng mga pangarap.”

13199504_10204914853230941_1599504604_o.jpgAlona: “At saka lang naliwanagan sakin ang lahat kung gusto ko nga bang manghawa… at ang sagot ay hindi.”

 

 

 

 

Alona:”Kasi gusto ko naman talagang gumaling, pero gusto mo ring may makaintindi. Gusto mong kalimutan ang sakit, at kahit na gusto mong maramdaman nila yung kanser noong una ay palihim mong pinapatibay sila para ipaglaban nila ang kani-kanilang mga sarili…

mga sariling pangarap.”

 

13214889_10204914858071062_1335821230_o.jpgAlona: “Kaya para sa mga may kanser dyan, wag na kayong malungkot dahil gagaling din kayo.”

 

 

 

 

 

Alona: “Pwedeng tumulong sa’yo yung pinagbalakan mong hawaan pero ihanada mo rin ang sarili mo kasi minsan ikaw lang din ang doktor.

“At ngayon, ipinagmamalaki kong isa akong suvivor sa kanser.

“Kanser ng Pangarap.”

 

Photos taken at University of Santo Tomas, Manila

image

Read more from this blog: Unsent Letters to Papa, The Luckiest Bride, Sweet Nothings, KISMET
Advertisements

6 thoughts on “Kanser ng Pangarap

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s